Ang Pride ay Isang Protesta! FREE PRIDE20!

Ang Pride ay isang protesta. Mariing kinukundena ng GALANG Philippines ang marahas at ilegal na paghuli sa mga LGBTIQ+ at allies na nagsagawa ng mapayapang protesta sa Mendiola kaninang umaga.

Maayos na isinagawa ang protesta, mahigpit nilang ipinatupad ang physical distancing, at sumunod sa public health guidelines. Sa kabila nito, biglaan silang ipinatigil at marahas na hinuli ng mga kapulisan ng hindi binabanggit kung ano ang kanilang nilabag.

Ang karapatang pantao ay hindi kailanman dapat isinasantabi at binabalewala lalo na sa gitna ng pandemyang ito. Walang kahit anong dahilan upang makaranas ng malupit na pagtrato ang mga nagpoprotestang LGBTIQ+ at mga ka-alyado. Lantarang ipinamalas ng mga taong dapat na pumoprotekta sa atin ang karahasan at kawalan ng due process.

Ang Pride ay mananatiling isang protesta. Sama-sama nating labanan ang paghadlang at pagsupil sa ating mga lumalaban para sa pantay-pantay na karapatan.

 

#FreePride20 #SulongWagPatinag #PrideMonth2020 #YESToEquality #SOGIEEqualityNOW #GALANGPhilippines

Back to Photo Albums
Comments are closed.