#LoveWins: Rampa para sa National LGBTQIA+ Agenda

Kakampink ka man o hindi, deserve natin na maging pantay!” (Amber Quiban, LGBTQIA+ for Leni National Convenor)

 

Talaga namang #LoveWins sa Araw ng mga Puso lalo na para sa LGBTQIA+ mula sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa matagumpay na Martsa para sa Pag-ibig at ang pagpirma ng National LGBTQIA+ Agenda Covenant!

To the highest level ang energy ng LGBTQIA+ for Leni na rumampa mula sa Commission on Human Rights hanggang Leni-Kiko HQ sa Katipunan Ave., noong Pebrero 14, Araw ng mga Puso. Hindi din nagpagkabog ang ating Equality champions sa senado at kongreso na sina Sen. Risa Hontiveros at Cong. Teddy Baguilat, kasama ang iba pang mga senatorial candidates na sina Atty. Chel Diokno, Atty. Sonny Matula, at Akbayan nominees na sina Mader Perci Cendaña at Dr. RJ Naguit sa inihatid nilang mga mensahe ng pagsuporta.

Over sa kilig ang panunuyo at pagbibigay ng mga rosas kay presidential candidate at VP Leni Robredo upang makamit ang kanyang matamis na pangakong ipagpapatuloy ang pagsulong ng mga karapatang pantao hindi lamang ng mga LGBTQIA+ kundi lahat ng nasa laylayan ng lipunan.

Isang makasaysayang Araw ng mga Puso ito dahil ngayon lamang nakapaglatag ng National LGBTQIA+ Agenda Covenant ang mga nagkakaisang Pilipinong LGBTQIA+ na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay.

Back to Photo Albums
Comments are closed.