Ang GALANG Philippines ay nakikiisa sa lahat ng LGBTQI sa pagdiriwang ng Pride Month.
Kami sa GALANG ay hinihikayat din ang lahat na makiisa sa pagdemand ng accountability at paghingi ng mga inklusibong programa mula sa ating gobyerno para sa pagpapataas at pagpapa-unlad ng kalidad ng buhay nating lahat, lalo ng mga LGBTQI na indibidwal, upang hindi na maging second class citizens sa sarili nating bansa.
Isa sa mga pinakamahalagang aksyon na dapat gawin ng ating pambansang gobyerno ay ang agarang pagpasa ng mga Anti-Discrimination Bills: Comprehensive at SOGIE-specific, at ang maayos na implementation ng mga batas na ito para maprotektahan ang buhay at karapatan ng mga indibidwal na may diverse sexual orientations, gender identities, gender expressions at sexual characteristics (SOGIESC).
Mahalaga rin na ang ating mga local government units ay gamitin ang gender and development (GAD) budget para sa mga programang makakatulong sa ating komunidad lalo na sa mga nawalan ng trabaho, nagkakasakit, at nalulugmok dahil sa pandemya.
Panahon na para sa isang bansang tunay na may pagtanggap sa LGBTQI community. Sama-sama tayong manindigan para sa patas at abot-kamay na karapatan, kalusugan at seguridad para sa lahat!
Happy Pride!
#PrideMonth2021 #YESToEquality #LoveWins #PassADBNow #SOGIEEqualityNow #GALANGPhilippines
Back to Photo Albums